JUN NARDO

PAULIT-ULIT na itinanggi ni Dingdong Dantes na magkasama sila ni Marian Rivera sa favorite place niya sa Tagaytay nu’ng araw ng mga patay.

“Favorite place ko ‘yon, pero wala ako roon nu’ng November 1. I was there at a different time! Parati ako roon kasama ang pamilya ko!” sabi ni Dingdong.

Tanong namin kay Dingdong, pamilya na ba ang turing niya kay Ma rian?

Sa halip na sumagot, tumingin lang ng diretso at makahulugan sa amin si Dingdong, kaya hindi na kami sumundot pa ng kasunod na tanong.

May relasyon na ba sila ni Marian?

“Wala! Kung anuman ang lumalabas na issue about us, she has nothing to do with it.”

Anyway, kahit hiwalay na sila ni Karylle, mahalaga pa rin ito sa kanya.

“We had so many good things together ni Karylle. She’ll always be there,” sabi pa niya.

Anyway, panay nga ang pakiusap ni Dingdong na huwag na munang ungkatin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Karylle, lalo na at may pelikula sila nina Marian at Iza Calzado, ang One True Love.

“Basta I am always for the truth and at the end of the day, it will come out!”

Giit ni Dingdong, nasasaktan din siya sa mga paratang sa kanya nga yon.

“Because of the fact na maraming different interpretations and I am not really divulging information at this point. Yes, sa sinasabi ng tao, very hurtful! Tatanggapin ko na lang ‘yon! I will remain this way. It’s better to keep that privacy!”


credit to DY.com