by jojo gabinete

Ang Philippine Disaster Relief Organization (PeDRO ) at Philippine Medical Association of Southern California ang mga beneficiary ng Let’s Celebrate, The Dingdong-Marian Dance Concert na itatanghal sa Shrine Auditorium sa December 5, 2008.
Sa huling phone call sa amin ng producer na si Aida Arceo, ibinalita niya na malakas ang benta ng tickets para sa show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Nagugulat si Ate Aida dahil sa mga tawag sa telepono na natatanggap niya mula sa mga kababayan natin sa Iowa, Georgia, Maryland, New York at Florida na nagpasabi na lilipad sila sa LA para mapanood ang show nina Dingdong at Marian.
Marami sa mga kababa*yan natin sa Amerika ang nagbabasa ng Abante at Abante Tonite online kaya alam nila na sigu*rado na ang pagbalik sa LA nina Dingdong at Marian.
Sa mga nagtatanong kung paano magpa-reserve ng tickets para sa nasabing show, please call Ate Aida at (310) 910-3953, (310) 220-77919 or Joey at (310) 938-4907, (310) 408-7968.

credit to cutiexx12 PEX