ILULUNSAD ng GMA 7 ang kanilang Christmas station ID ngayong Linggo sa SOP.
Ginamit sa station ID ang kantang Awit ng Puso na kinanta ni Julie Ann San Jose.
Bahagi ng kanta ang mga linyang, “Kami’y namamasko sa inyong mga puso/ Damhin na ang pagmamahal na regalo/ Dahil ang bawa’t batang Pilipino/ Kapuso namin ngayong Pasko.”
Mga bata ang mga bida sa nasabing station ID na docu-style.
Mapapanood sa TV plug ang natural na pagtatagpo ng mga celebrity at mga bata.
Walang script, walang storyboard at walang take 2.
Nakisaya ang Kapuso celebrities sa mga bata sa paglalaro ng bula, balloon twisting, twister games, pagpipinta, pagkukulay, Bring-Me game, chalk graffiti at paggawa ng Xmas card.
Sey ni Marian Rivera, “Super-enjoy ako nu’ng shoot. Kung hindi siguro ako artista, ito ‘yung gusto kong gawin.”
Sambit ni Rufa Mae Quinto, “Being a Kapuso is not all work. We give back… It’s touching and fulfilling. Maiyak-iyak ako sa tuwa when they kissed me!”
Tatlo’t kalahating minuto ang full length version ng nasabing station ID. Ang 30-second version ay eere sa mga commercial gap.
Pasisimulan din ng Kapuso Network sa SOP ang bagong Christmas on-air look.


credit to cutiexx12 PEX