By: Nitz Miralles

Tapos na tapos na ang One True Love at kahit sa SM Megamall ang last shooting day, maayos pa rin itong natapos.         
    
Pinanood nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Iza Calzado, Direk Mac Alejandre, supervising producer Manny Valera, Joey Abacan at producers Annette Gozon-Abrogar at Roselle Monteverde-Teo ang full trailer. 
    
Nagustuhan at inaprubahan nila ito para ipalabas na sa mga sinehan. November 19 na kasi ang showing ng pelikula. 
    
Tinanong namin si Manny kung ano ang billing ng pangalan ng three major cast at sabi nito, sa first level, una ang pangalan nina Marian at Dingdong at solo ang pangalan ni Iza sa second level. 
    
Dalawa ang nilabas na print ad ng Regal Entertainment at GMA Films at sa isa’y magkasama sina Dingdong at Marian at sa isa’y solo si Iza. 
    
Tinupad ng mga producer ang pangako kay Iza na hindi ito madedehado sa role at promo ng movie, kaya naman nagpapasalamat ang actress.